Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na malaki ang magiging impluwensiya ng presidential election sa 2022 sa pagboto ng kanyang mga kapwa senador sa itinutulak na Charter Change o Cha-Cha.
Pero nilinaw ni Drilon na hindi pa malalaman kung ano ang magiging boto ng mga senador sa kabila ng magiging komposisyon ng 18th Congress.
Naniniwala pa naman si Drilon na mapapanatili pa rin ng Senado ang pagiging independent base sa naging paghawak nila sa panukalang amyenda ang Saligang Batas.
Pagtitiyak pa ng senador na asahan na ng taumbayan na anumang pagtatangka na mabago ang Konstitusyon para maging daan sa Pederalismo ay dadaan sa tamang proseso at hindi mamadaliin sa Senado.
Sa ngayon aniya ay wala pang pagtatangka kahit mapag-usapan lang sa Senado ang Cha-Cha.
Banggit lang nito, sa mga nagdaang surveys, ayaw ng mayorya ng mga Filipino na mabago ang Saligang Batas.