Epal materials ng mga pulitiko bawal na sa mga paaralan sa Maynila

Inquirer photo

Ipinag-utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila School Board na ipatanggal ang mga pangalan ng mga pulitiko sa mga gusali ng mga paaralan sa lungsod.

Sa press briefing matapos ang pulong kasama ang school board, sinabi ng alkalde na pinatanggal niya ang lahat ng pangalan ng mga pulitiko na nakapintura o nakakabit sa mga eskwelahan.

Giit ni Moreno, hindi dapat nakalagay ang mga pangalan ng mga pulitiko.

Ito ay dahil hindi aniya pera ng mga pulitiko ang ginamit sa pagpapatayo ng mga gusali kundi pera ng taumbayan.

Binigyang-diin rin ng opisyal na pati ang kanyang pangalan ay kasama sa mga aalisin sa mga paaralan.

Read more...