Sinabi ito ng National Telecommunications Commission (NTC) kasunod ng pormal na pagkakaloob ng Certificate of Public Convenience and Necessity Issuance Ceremony (CPCN) sa 3rd Telco na Mislatel Consortium.
Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba na dumalo sa seremonya sa Malakanyang, maliban sa 3rd Telco initiative ng Duterte administration ay malaking bagay din sa mga Filipino ang pagpapatupad ng mandatory unlocking of phones, mobile number portability act, Common Tower Policy, pag-alis sa text and call interconnection charges, at ang pagpapatupad ng National Broadband Plan.
“President Duterte’s third telco initiative coupled with the implementation of the mandatory unlocking of phones, the mobile number portability act, the implementation of the Common Tower Policy, the removal of text and call interconnection charges, and the implementation of the National Broadband Plan will greatly benefit the Filipino consumer,” ani Cordoba
Sa pormal na pagkakaloob ng license to operate sa Mislatel, sinabi ni Cordoba na naganap na ang SONA promise ng pangulo na bigyan ng mas mahusay na serbisyo sa telecommunications ang publiko.
Pinagkalooban ng NTC ang Mislatel ng license to operate para sa frequency bands na 700 megahertz (MHz), 2100 MHz, 2000 MHz, 2.5 gigahertz (GHz), 3.3 GHz at 3.5 GHz.
Mag-ooperate ang Mislated sa ilalim ng pangalan na Dito Telecommunity at tiniyak ang pangakong 37.03% national coverage na may average speed na 27 Mbps sa unang taon ng operasyon.
Sa ikalimang taon ng operasyon, Binaasahang aabot na sa 84.01% ang national coverage nito at may average speed na 55 Mbps.