Ayon kay Drilon mahalaga na malaman muna kung ano Chinese fishing vessel ang nakabangga sa F/B Gem Ver at kung maari ay pakiusapan ang China na kilalanin ang mga sakay nito.
Pagdidiin ni Drilon napakahalaga na may gawin konkretong aksyon ang Pilipinas sa paliwanag nito na kung walang gagawing hakbang ay maaring maapektuhan nito ang ating karapatan sa ating exclusive economic zone o EEZ.
Sinabi pa nito na nakasaad sa Republic Act 10654 o ang Fisheries Code ang sinoman banyaga, indibiduwal man o korporasyon, na lalabag ay maaring pagmultahin ng hanggang $1 million.
Umaasa si Drilon na sa kabila ng mga naging pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa insidente ay kikilos pa rin ang Malakanyang sa ngalan ng pambansang-interes.