Mga kritiko lalong magngingitngit sa galit dahil sa record-high na satisfaction rating ni Pangulong Duterte

Tiyak na lalo lamang na maasar at magngingitngit ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na pagtaas ng net satisfaction rating nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tuwing binabato at inaatake ng mga kritiko si Pangulong Duterte, lalong pinagkakatiwalaan siya ng taong bayan.

Hirit ni Panelo sa mga kritiko, tingnan si Pangulong Duterte sa maliwanag na pamamaraan at hindi magbulag-bulagan.

Binigyang-diin ni Panelo na isinagawa ang survey sa kainitan ng isyu sa Recto Bank na aniya’y sinamantala ng mga anti-Duterte forces upang pulbusin at durugin ang punong ehekutibo.

Sinabi pa ni Panelo na dapat nang lunukin ng mga kritiko ang kanilang pride at yakapin na lang ang panawagan ng pangulo tungkol sa pagkakaisa.

Read more...