Ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin na ang pulong ngayong araw ay para sana bigyan ng pagkakataon si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab na maiprisinta ang kanyang legislative programs.
Si Ungab ay kandidatong inendorso ng Duterte Coalition na binuo naman ng anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Rep. Paolo Duterte.
Nauna nang sinuyo ng iba pang speaker aspirants ang 54-members party-list coalition para sa kanilang boto dahil malaki ang numerong hawak ng grupo.
Nauna rito, lumagda sa isang manifesto of support ang presidente ng koalisyon na si 1Pacman Rep. Mikee Romero para kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kinuwestyon naman ng kanyang grupo.