P1M halaga ng shabu nakumpiska sa 3 suspek sa Cebu

CDND Photo
Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawa niyang kasabwat sa ikinasang operasyon sa Barangay Tisa sa Cebu City.

Nakumpiska mula sa suspek na si Brayl John Allosada ang 155 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P1 million ang halaga.

Nadakip din ang dalawa niyang kasamahan na sina Richard Regis at Angel Pelaez.

Ayon sa Cebu City Police Office, ikinukunsiderang high value target su Allosada.

Mahaharap sa karampatang kaso ang tatlong naaresto.

Read more...