International defense team ni Maria Ressa pangungunahan ni Amal Clooney

Ang asawa nig George Clooney na si Amal Clooney ang mangunguna sa international defense tream ng mamamahayag na si Maria Ressa.

Kinumpirma ito ng Doughty Street Chambers – ang kinabibilangang law firm ni Clooney.

Kasama ni Clooney sa international defense team ni Ressa ang kasamahan niya sa law firm na si Caoilfhioon Gallagher QC.

Ayon kay Clooney, si Ressa ay ginigipit dahil sa pagiging matapang sa sa paninindigan niya laban sa pag-abuso sa karapatang pantao.

Tiniyak ni Clooney na isusulong nila ang lahat ng legal remedies para maitaguyod ang karapatan ni Ressa at madepensahan ang press freedom, pati na ang rule of law sa Pilipinas.

Bahagi rin ng press statement ng law firm ang pahayag mula kay Ressa.

Sinabi ni Ressa na nagagalak siya na siya ay ipagtatanggol ni Clooney at ng grupo nito.

Kasama sa mga kaso na kinakaharap ni Ressa ay ang cyberlibel na nakabinbin sa Manila Regional Tiral Court, tax evasion, at paglabag sa anti-dummy law at Securities Code.

Read more...