Para matiyak ang pangmatagalang suplay ng malinis na tubig, ipinanukala ni Senator Manuel Lapid ang pagbuo sa isang ahensiya na mangangalaga sa water resources ng bansa.
Sinabi ni Lapid matindi na ang pangangailangan para sa maayos at maasahan suplay ng tubig sa bansa.
Sa kanyang Senate Bill No. 52 o Water Resources Management Act, layon nito na bumuo ng Water Resources Authority of the Philippines o WRAP.
Tiwala ang senador na ang WRAP ang pangmatagalang solusyon sa isyu sa tubig sa bansa.
Pinuna nito na ang kakulangan sa tubig sa Metro Manila at ilang lugar ay patunay lang na hindi ang bansa sa pagkakaroon ng water crisis.
Aniya kailangan magkaroon ng integrated water management system na hahawakan ng isang ahensiya para matiyak din na maayos na nagagamit ang water resources sa bansa.