Clearing operations isinagawa sa Balintawak Market; mga vendor sa harapan pinaalis

Nagsagawa ng clearing operations ang lokal na pamahalaan sa Balintawak Market sa Quezon City.

Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Department of Public Order and Safety na linisin sa anumang obstructions at illegal vendors ang harapan ng palengke.

Katuwan ng DPOS ang QC-Environment Protection and Waste Management Department (QC-EPWMD), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Market Development and Administration Department (MDAD) at Quezon City Police District sa isinagawang paglilinis sa kalsada at sidewalk sa Balintawak Market.

Inisyuhan din ng violation tickets ang mga sasakyang ilegal na nakaparada sa harapan at pinagsabigan ang mga ilegal na nagtatapon ng basura.

Ang mga vendor na nakapwesto sa harapan ay pinaalis at inalok ng libreng TESDA training para magkaroon silang alternatibong pagkakakitaan.

Read more...