COA: Mayor Estrada nag-iwan ng P140M na halaga ng unresolved transactions at unliquidated cash advances

Nag-iwan si dating Manila Mayor Joseph Estrada ng mahigit P140 million na halaga ng unresolved transactions at unliquidated cash advances sa Manila City Hall.

Lumitaw ito sa inisyal na report ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA, mayroong P141,021,321.31 notices sa iba;t ibang mga transaksyon sa City of Manila ang naitala mula April 1, 2019 ang nananatiling unresolved hanggang sa matapos ang termino ni Estrada nooong June 30.

Ang kopya ng nasabing report ay ipinadala ng COA sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon naman kay Manila Public Information Office chief, Julius Leonen malinaw na mayroong kailangang magpaliwanag sa nasabing usapin.

Read more...