Anim na establisyimento, ipinasara sa Baguio

Ipinasara ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang anim na establisyimento sa lungsod dahil sa kawalan ng six permits to operate.

Kabilang sa mga ipinasara ay apat na restaurants, vape shop at sari-sari store.

Ayon kay Magalong, natuklasan nilang walang karampatang permit to operate ang mga ito.

Pinayuhan ang mga may-ari ng establisyimento na tumugon sa requirement ng lokal na pamahalaan.

Mismong si Magalong ay sumama sa operasyon at nilagyan ng “Closed” signage ang mga kumpanya.

Read more...