Liberal Party nais pa ring maging miyembro ng mayorya sa Kamara

Sa kabila ng iba ang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-House Speaker tuloy pa rin ang pagsapi sa majority bloc ng mga kongresistang taga-Liberal Party.

Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, tama ang ginawang pag-endorso ni Pang. Duterte kay Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang speaker

Sinabi ito ni Erice sa kabila ng naunang pahayag na namimili ang LP sa pagitan nina Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para sa House speakership sa 18th Congress.

Idinahilan pa nito dati na gusto daw nila ang mga bagong ideas ni Velasco at ang leadership at malawak na karanasan naman ni Romualdez, habang si Cayetano ay unpopular sa mga miyembro ng Kamara.

Pero matapos ang anunsyo ng presidente, para kay Erice ay beteranong mambabatas si Cayetano kaya tamang siya ang napiling maging susunod na House Speaker.

Read more...