Ni-relieve ni NCRPO director, Major General Guillermo Eleazar si Police Staff Sergeant Nicolas Lapie, Jr. na naka-assign sa Marikina City police.
Si Lapie ay inilipat sa District Headquarters Support Unit (DHSU) ng EPD.
Ayon pa kay Eleazar, inirekomenda rin niya na isama ang pulis sa “values and formation seminar” na gagawin sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Sa imbestigasyon, napag-alaman na ang bata ay nanonood ng isang basketbal game sa covered court ng Barangay Bambang sa Pasig City noong linggo ng gabi ng sakalin ito ng pulis at sinimulang saktan.
Tinangka ng bata na tumakbo pero hinablot pa ito ni Lapie at hinila palapit sa kanya.
Marami ang nakakita sa pangyayari at may ilan ang nagtangkang awatin ang pulis.
Mayroon namang rumespondeng pulis at dinala si Lapie at ang bata sa Women and Children Protection Division (WCPD).
Ang pulis ay nahaharap sa kasong physical injury in relation to Republic Act 7610 or violence against women and children.
Hindi naman sinabi sa ulat kung ano ang nag-udyok sa pulis para bugbugin ang bata.