Ang proyekto ay isinakatuparan ng Department of Transportation (DOTr), Aviation and Airports Sector at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa ulat ng DOTr, may nalalabi pang 28 mga kahalintulad na proyekto na inaasahang matatapos sa loob ng kalahating termino ng panunungkulan ng Administrasyong Duterte.
Binigyan-diin naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade, ang kahalagahan ng air connectivity sa pag-unlad ng iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Isa aniya ito sa pangunahing sangkap ng progreso kung saan ang pagpapatayo ng mga airports at pagsasaayos sa mga dati nang paliparan ay may malaking ambag sa pag-unlad ng buong bansa.
Kabilang sa mga nakompleto nang proyekto ay ang dalawang bagong
international airports na tinawag na Lal-Lo International Airport sa Cagayan at ang kauna-unahang eco-airport sa bansa, ang Bohol-Panglao International Airport.
Labin’lima pang kasalukuyang paliparan ang isinailalim sa upgrading, dalawa sa mga ito ay international at labin’tatlo naman ay Domestic.
Ang Mactan-Cebu International Airport (MCIA) naman ay tinaguriang world’s friendliest resort airport, na nagbukas ng bago nitong Passenger Terminal Building (PTB) sa nakalipas na taon at nakapag dagdag ng 13.5 million na mga pasahero.
Ang Puerto Princesa Airport’s PTB maman ay pinalawak ang runway para makapag accomodate ng mas malalaking eroplano.
May nagpapatuloy din na rehabilitasyon sa NAIA terminal 2 kabilang na ang ekspansiyon ng departure check-in hall at arrival baggage area; architectural improvements ng passenger movement areas; upgrade ng aerobridge areas at elevated roadway; at marami pang iba.
Sinabi naman ni CAAP Director General Jim Sydiongco, asahan na ng publiko ang mas maraming airport development projects and programs na makokompleto sa natitirang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.