Sen. Pimentel idinepensa si Pangulong Duterte sa pag-endorso ng magiging house speaker

Idinepensa ni Senator Koko Pimentel III si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-endorso nito ng susunod na house speaker sa Kamara.

Ayon kay Pimentel, mismong ang mga kongresista naman ang humingi ng tulong ng pangulo.

Hindi aniya dapat batikusin ang pangulo sa sa page-endorso ng term-sharing scheme upang matuldukan na ang speakership issue sa Kamara.

Ani Pimentel, ang mga kongresista na rin ang umaapela sa gabay ng pangulo para masolusyunan na ang isyu.

Sa July 22 ng umaga ay maghahalal ang mga kongresista ng bagong house speaker.

Read more...