Security guard na pumatay sa Gr. 7 student sa Calamba naaresto na

Naaresto na ang security guard na bumaril at nakapatay sa Grade 7 student sa loob ng isang paaralan sa Calamba, Laguna.

Kinumpirma ni Laguna Police Provincial Dir. Col. Eleazar Matta na nadakip na ng mga otoridad si Renan Estrophe Valderama alyas Renz Ivan.

Nasa Calamba police station na ngayon ang suspek.

Nakita ng mga residente na palakad-lakad lang ang suspek sa Barangay Masili at isinumbong ito sa mga pulis.

Nabatid na si Valderama ay dati nang naharap sa kasong theft noong Nov. 2017.

Magugunitang noong July 4, pumasok si Valderama sa Castor Alviar National High School, pinasok ang classroom ng 15 anyos na biktima at saka ito binaril.

Read more...