Antas ng tubig sa Angat dam nabawasan sa nakalipas na 24 na oras

Muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Martes, July 9, nasa 160.58 meters ang water level sa Angat.

Nabawasan ito kumpara sa 161.01 meters kahapon.

Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 72.26 meters.

Wala namang pagbabago sa water level ng Ipo dam.

Habang nabawasan ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

At bahagyang nadagdagan ang water level ng Binga dam.

Read more...