Robin Padilla sasali sa Army Reserve Force

Kinumpirma ng aktor na si Robin Padilla ang kanyang pagsali sa militar bilang reservist.

Ibinahagi ni Padilla ang post ng Philippine Army kaugnay ng pagbisita niya sa Sulu para sa pagsusulong ng kapayapaan.

Ito ang naging kumpirmasyon ng pagsali ng aktor sa Army Reserve Force.

Pinasalamatan si Padilla ng Philippine Army sa kagustuhan nitong maging bahagi ng kanilang Reserve Component.

Sa post nito noong nakaraang linggo ay hinimok ng aktor ang mga Pilipino na sumali sa Army Reserve Force.

Sinabihan pa nito ang mga kabataan na gayahin si Matteo Guidicelli na anyay matapang at handang maglingkod sa bansa.

Ang hakbang ni Padilla ay kasunod ng pagtatapos ni Guidicelli sa 30-day Scout Ranger traning sa Bulacan.

Read more...