Ayon kay Domagoso, ang mga police officers ay konektado sa “organizers” na naniningil ng bayad sa mga iligal na nagtitinda.
Nabatid pa ng Alkalde na may ilang pulis na nakipag-sabwatan sa ilang opisyal ng barangay sa kanilang pangongotong.
“It seems at certain times of the day, pagtalikod ko, may mga ilang individual uniformed personnel engaging, interacting (with) so called ‘organizers’ and barangay officials. Saan kayo nakakita na ang barangay chairman, utusan ang colonel? Saan kayo nakakita na ang barangay chairman, utusan ang major?” ani Mayor Isko.
Ayon sa Manila Public Information Office, ang mga sinibak na opisyal ng pulisya ay sina Lt. Col. Antonietto Eric Mendoza, Maj. Robinson Maranion, Maj. Alden Panganiban, Cpt. Jerry Garces, Cpt. Bernardino Venturina, Cpt. Manuel Calleja, Lt. Jerry Campo, Lt. Maricel Pili, at Lt. Maribel Casayuran.
Sa press conference araw ng Lunes ay iprinisinta naman ni Domagoso sina Lt. Col. Noel Calderon Aliño, Major Salvador Bagne Tangdol, at Captain Manolito Vedana Flores na mga bagong opisyal sa Manila Precinct 11 kapalit ng mga sinibak na pulis.