Meralco may bawas-singil sa kuryente ngayong Hulyo

Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon sa inilabas na abiso ng Meralco, mababawasan ng halos 11 sentimos (P0.1068) kada kilowatt hour ang babayaran ng mga consumer.

Nangangahulugan ito ng P21 na bawas sa kabuuang bill ng kuryente para sa may konsumo na 200 kilowatts per hour kada buwan.

Ang bawas-singil ay dulot ng bumabang transmission at ancillary service charges na halos 8 sentimos (P0.788) per kilowatt hour.

Nakatulong rin ang pagbaba ng singil sa tax at iba pang bayarin na nakabawas ng 1 sentimo (P0.00349) per kilowatt hour.

Ito na ang ikatlong sunod na buwan na bawas singil sa kuryente.

 

Read more...