Duterte sa House Speakership: ‘Naunang nag-abiso si Cayetano’

Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang unang mauupo bilang Speaker sa Kamara.

Ayon sa Pangulo, si Cayetano kasi ang unang kumausap sa kanya kung kaya magkakaroon na lamang sila ng term sharing ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Paliwanag pa ng Pangulo, panahon pa lamang ng eleksyon ay nag-abiso na si Cayetano na nais niyang maging Speaker habang sumunod sina Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez na napili namang maging Majority Floor Leader.

Tiniyak naman ng Pangulo na nagkasundo ang tatlo sa naturang set up.

Ayon pa sa Pangulo, hindi niya nakausap si Rep. Isidro Ungab na una nang inindorsong Speaker ng Hugpong ng Pagbabago.

Tiniyak naman ni Duterte na hindi niya pakikialaaman ang trabaho ng Kamara kahit na nakialam siya sa pagpili ng Speaker o lider nito.

Magiging independent pa rin aniya ang Kamara pagdating sa kanilang trabaho.

Read more...