Duterte sa record-high rating: ‘Trabaho lang’

Screengrab of Chona Yu video

Trabaho lang.

Ito ang naging tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong survey ng Social Weather Stations na nagsasabing 80 percent sa mga Pilipino ang kuntento sa trabaho niya sa ikalawang kwarter ng 2019.

Ayon sa Pangulo, masaya siya kung kuntento ang mga Pinoy sa kanyang trabaho.

Kung hindi naman, sinabi ng Pangulo na pag-iigihan pa niya ang kanyang trabaho at dagdagan pa ng pawis.

“Basta ako trabaho lang. If you are satisfied with my work im happy. If you are not satisfied I will work more, dagdagan ko ang pawis,” ani Duterte.

Base sa SWS survey, 12 porsyento lamang sa mga respondents ang nagsabing hindi sila kuntento sa trabaho ng Pangulo.

 

Read more...