28 patay sa bus na nahulog sa bangin sa India

AFP photo

Nasawi ang nasa dalawampu’t walong katao makaraang mahulog sa bangin ang isang bus sa highway malapit sa Taj Mahal sa Agra, India.

Ayon sa pulisya, nasa mahigit-kumulang apatnapung katao ang nakasakay sa bus na nagmula sa New Delhi nang maganap ang aksidente sa Yamuna Expressway.

Nasa labing-walo katao naman ang nasugatan kung saan ang ilan ay kritikal ang kondisyon.

Ayon kay Agra police superintendent Bablu Kamar, isa sa tinitignang anggulo na sanhi ng aksidente ay ang posibleng pagkatulog ng drayber habang nagmamaneho.

Ngunit, patuloy pa aniya ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

Ang mga kalsada sa India ang itinuturing bilang isa sa mga pinakamapanganib sa buong mundo.

Read more...