Kasabay nito, pinuri ni Recto ang DPWH sa pagpapatayo ng 82 evacuation centers sa 52 probinsya at ang suhestiyon nito ay magkaroon ng ‘one town, one evacuation center’ program.
Ayon sa senador maganda kung ikukunsidera ng DPWH ang mga disenyo ng gymnasiums na maaring mapagsilungan din ng mga evacuees at ito aniya ay ipinanukala na niya muli dahil madalas ang kalamidad sa bansa.
Sinabi nito maganda kung ang mga gyms ay kumpleto sa pasilidad, tulad ng palikuran at maging klinika, bukod sa maaari na rin lagyan ito ng library para sa bayan o lungsod at gawin opisina at bodega ng local disaster response unit.
Kailangan lang aniya na kakayanin ng itatayong gymnasium-evacuation center ang 300 kilometer per hour na bugso at lakas ng hangin at Intensity 8 earthquake.