Ayon kay Presidential communications operations office secretary Martin Andanar, walang moral ascendancy ang Iceland dahil wala namang embahada ang Pilipinas sa naturang bansa na maaari nitong maging representasyon at mula doon ay makakalap ng impormasyon hinggil sa alegasyon.
Bwelta pa ni Andanar, paano masusuportahan ng Iceland ang ipinupursige nitong imbestigasyon gayung sila mismo ay wala namang ginawang hakbang para magkaroon ng tanggapan sa Pilipinas at malaman ang tunay na sitwasyon dito.
Iginiit pa ni Andanar na hindi patas ang ginagawa ng Iceland dahil malinaw na gumagana naman ang legal institution at human rights sa bansa na sa katunayan ay tumaas pa nga ang pondo.
Sa Biyernes (July 12) madedesisyunan ang isinumiteng draft ng Iceland sa UNHR Council at ayon kay Andanar base sa mga ulat na kanilang natatanggap, marami sa 47 member ng body ang hindi sumusuporta sa draft proposal.