Imbestigasyon ng PNP sa pananambang kay Dinagat board member Wenefredo Olofernes pinamamadali ng Malakanyang

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang pananambang kay Dinagat Islands board member Wenefredo Olofernes.

Ayon kay Cabinet secretary Karlo Nograles, dapat na madaliin ng Philippine National Police (PNP) ang ginagawang imbestigasyon lalo’t may binuo nang task force.

Tinambangan si Olofernes habang sakay ng motorsiklo kasama ang kanyang asawa sa Surigao City, Linggo (July 7).

Ayon kay Nograles, nag-alok na ang PNP ng P100,000 pisong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek.

Tiniyak naman ni Nograles na isang isolated case lamang ang pagpatay sa board member.

Wala aniyang dapat na ikabahala ang publiko dahil unti-unti nang gumaganda ang peace and security sa Mindanao region.

Read more...