Reklamong qualified theft na inihain ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis ibinasura ng Manila Prosecutor’s Office

Ibinasura ng Manila Prosecutor’s Office ang qualified theft na inihain ni Kris Aquino laban sa dati nitong business manager na si Nicko Falcis.

Lumabas ang resolusyon noon pang April 10, 2019 na pirmado ni Manila Assistant City Prosecutor Geoffrey H. Llarena.

Sa nasabing resolusyon, walang nakitang “probable cause” sa reklamong qualified theft dahil ang ginamit nitong credit card ay nakapangalan kay Nicko para sa gastusin ng kompanya pag-aari ni Aquino.

Nakasaad pa sa desisyon na kahit na ang complainant ang nagbabayad sa credit card hindi naman ito nangangahulugan na walang kapangyarihan ang respondents na gamitin ito, anuman ang kasunduan na nabuo sa pagitan nilang dalawa.

Hindi rin umano maaaring kasuhan ng estafa at credit-card fraud si Falcis dahil wala namang isinumiteng ebidensya ang panig ni Aquino ukol dito.

Read more...