Inihain ni Pangilinan ang Senate Bill 36 para mapakinabangan ang tubig-ulan at hindi rin maging perwisyo dahil sa nagiging ugat ng pagbaha.
Aniya sa kanyang panukala, magagamit na patubig sa mga lungsod at bayan ang tubig-ulan, maging sa pag-apula ng sunog, pagdilig ng halaman, pag-flush sa kubeta at paglilinis ng sasakyan.
Nakasaad sa panukala na dapat magkaroon ng Rainwater Management Plan ang mga commercial, industrial at residential developers bilang bahagi ng kanilang site development application.
Inaatasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na maghanda ng rainwater design manual, samantalang ang mga city o municipal engineers naman ang susuri sa mga gagawing pasilidad para mapakinabangan ang tubig ulan.