Water level sa Angat Dam muling nabawasan

Muling nabawasan ang water level sa Angat Dam.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang water level ng Angat Dam ala-6:00 ng umaga ng Lunes (July 8) ay nasa 161.01 meters mas mababa kumpara sa lebel nito kahapon na 161.22 meters.

Nabawasan din ang level ng tubig ng La Mesa Dam na nasa 72.29 meters kaninang ala-6:00 ng umaga mas mababa sa lebel nito kahapon na 72.36 meters.

Nabawasan din ang water level ng Ipo, Binga , San Roque at Pantabangan Dams.

Nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao, Magat at Caliraya Dams.

Read more...