Muling inihain sa Kamara ang panukalang batas na magre-regulate sa mga may-ari ng carpark sa harap ng patuloy na pagtaas ng singil sa mga motorista.
Layon ng House Bill 1037 na inihain ni Parañaque City Representative Joy Myra Tambunting na i-regulate ang parking fees na ipinapataw kabilang na sa mga shopping mall at government institutions.
Ipapasa rin nito ang responsibilidad sa operators na tiyakin ang proteksyon at kaligtasan ng mga nakaparadang sasakyan.
Nakapaloob pa sa panukala na wawakasan na ang matagal nang iginigiit ng carpark owners na wala silang pananagutan sakaling nagkaroon ng sira, na-carnap o nawalan ng gamit ang loob ng sasakyan.
Magtatalaga naman ng parking spaces para sa mga persons with disabilities.
Mababatid na ilang panukalang batas na rin ang naihain noon sa Kamara na may kinalaman sa carpark regulations subalit bumigay umano at nabayaran ang mga author ng mall owners na nag-lobby at tumutol sa proposed measures.Ang layunin ng House Bill 1037 ay i-regulate ang parking fees na ipinapataw kabilang na sa mga shopping mall at government institutions.