Gilas Youth, nagtapos sa Fiba U19 World Cup sa ika-14 pwesto

Nagtapos ang Gilas Youth sa ika-14 na pwesto sa Fiba Under 19 Basketball World Cup.

Tinalo ng New Zealand ang koponan sa iskor na 86-72 dahilan para matanggal sa basketball tournament ang Philippine team.

Sinubukan ng Gilas Youth na sungkitin ang panalo mula sa New Zealand ngunit sa huling minuto ng laro ay nagtala ng 9-0 run ang New Zealand.

Nag-ambag si Carl Tamayo ng 24 na puntos at 12 rebounds sa laro habang sina Dalph Panopio at Dave Ildefonso ay may tig-16 na puntos.

Nakapagtala ng 1-5 win-loss record ang Pilipinas kung saan natalo ang China sa iskor na 86-72.

Read more...