Batay sa inilabas na ulat ng militar, araw ng Linggo, kabilang sa mga sumuko ang 37 miyembro ng Sangay sa Partido Lokal (SPL), 46 miyembro ng Militia ng Bayan (MB), 146 miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) at 167 iba pang tagasuporta.
Naganap ang pagsuko sa bayan ng Malimono at headquarters ng 30th Infantry Battalion sa Sta. Cruz, Placer noong araw ng Huwebes (July 4).
Ayon kay Lt. Col. Allen Raymund Tomas, commander ng 30th Infantry Battalion, resulta ito ng pinagsanib-pwersang aksyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng Community Support Program at pinaigting na kampanya ng mga local government unit (LGU) para ihinto ang pagsuporta sa rebeldeng grupo.
Dumaan ang mga NPA supporter sa deradicalization seminar bago nanumpa sa harap ng Municipal Hall ng Malimono kasama si Mayor Wallace Senaca.
Isinuko rin ng mga NPA supporter ang 11 iba’t ibang uri ng armas sa seremonya.