GinKings, wagi vs Magnolia sa iskor na 102-81

Pasok na ang Barangay Ginebra San Miguel sa PBA Commissioner’s Cup playoffs matapos magwagi kontra sa Magnolia Hotshots sa iskor na 102-81.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, nakaramdam sila ng kaba sa pagsisimula ng laro dahil sa ipinakitang lakas at enerhiya ng Magnolia.

Ngunit, nagkaroon aniya ng mas magandang sistema ang Ginebra para maungusan ang koponan.

Umarangkada sa laro si Justin Brownlee matapos makapagtala ng 49 points at 20 rebounds dahilan para matambakan ang Magnolia.

Maliban dito, nakapag-ambag din sa Ginebra si Japeth Aguilar sa nakuhang 18 points.

Read more...