Inanunsyo ito ng 69-anyos na singer sa pagtatapos ng kaniyang awiting “Superstition” sa British Summer Time concert sa Hyde Park, London.
Ayon sa music legend, nais na niyang linawin ito sa publiko para tuldukan ang mga kumakalat na balita hinggil sa kanya.
Tiniyak naman ni Stevie sa kaniyang mga tagahanga na mayroon na siyang donor at sinabi pa nitong magiging maayos ang kaniyang kalagayan.
Hindi na nagbigay ang singer ng karagdang impormasyon ukol sa kaniyang kondisyon.
Samantala, tatapusin pa ni Stevie ang nalalabing tatlong show bago tuluyang magpahinga para sa kidney transplant.
MOST READ
LATEST STORIES