Piñol, pinagkakatiwalaan ni Pangulong Duterte – Palasyo

Trusted o pinagkakatiwalaan nang husto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Agriculture Secretary Manny Piñol kung kaya siya ang napiling pinuno ng Mindanao Development Authority.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kilala na nang husto ng pangulo si Piñol.

Mas maigi na aniya na si Piñol ang italaga sa Mindanao Development Authority kaysa sa ilang indibidwal na hindi naman kilala ng pangulo.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na kailangan pang makausap ni Pangulong Duterte si Bangsamoro Transition Authority (BTA) chief minister Murad Ibrahim para sa appointment ni Piñol.

Naniniwala kasi si Panelo na ang malawak na kaalaman at karanasan ni Piñol sa agrikultura ay makatutulong nang husto sa pagpapaunlad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Read more...