Ito ay kahit na umurong na sa pagkandidato sa pagka-Speaker ang kaniyang anak na si Davao City Congressman Paolo Duterte.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nanatili ang polisiya ng pangulo na hindi makisawsaw sa pagpili ng Speaker sa Kamara.
Una rito, sinabi ni Congressman Paolo Duterte na nakausap na niya ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte at napagkasunduang hindi ito ang tamang panahon para sumali siya sa Speakership race.
MOST READ
LATEST STORIES