Sa ipinadalang mensahe, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na nakalulungkot ang pagpanaw ni Balajadia.
Palakaibigang tao aniya si Balajadia kung saan naibahagi pa nito ang mga karanasan sa militar sa senador.
Nagpasalamat naman si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa mga naging kontribusyon ni Balajadia kabilang ang pag-escort kay Senadora Leila de Lima nang hulihin taong 2017.
Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagpanaw ni Balajadia dahil sa ilang sakit at kumplikasyon.
Sinabi ni Sotto na nagbitiw sa pwesto si Balajadia noong June 30, 2019.
MOST READ
LATEST STORIES