Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), balik-normal na ang ramp movement sa mga eroplano at ground personnel bandang 1:12 ng hapon.
Itinaas ang red lightning alert bandang 12:41 ng tanghali para maiwasan ang anumang untoward incident na maidudulot ng kidlat sa mga pasahero at operasyon ng paliparan.
Makalipas lamang ang halos 10 minuto, mabilis na ibinaba sa yellow lightning alert ang sitwasyon sa lugar bandang 12:55 ng hapon.
Sinabi naman ng MIAA na patuloy nilang babantayan ang sitwasyon sa paliparan.
Humingi rin ng paumanhin ang ahensya sa mga naapektuhang pasahero.
MOST READ
LATEST STORIES