Dahil sa maraming mga insidente ng krimen at matinding traffic sa Divisoria, magpapakalat na rin ng SWAT team ang Manila Police District sa lugar.
Ayon kay Ver Eustaquio, pinuno ng Task Force Organized Vending, makakasama ng SWAT ang mga tauhan ng Manila Police District, mga barangay, at civilian volunteer upang mapanumbalik ang maayos na sitwasyon sa Divisoria.
Ang deployment aniya ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics team o SWAT sa Divisoria ay batay sa direktiba ni Manila Mayor Joseph Estrada na nadismaya na sa sitwasyon araw-araw sa kilalang shopping destination.
Marami na aniyang reklamong natatanggap ang lokal na pamahalaan sa matinding traffic at mga insidente ng kriminalidad sa lugar tulad ng snatching at pandurukot kahit hindi panahon ng Kapaskuhan kaya’t aayusin itong muli ng mga otoridad.