Thunderstorm advisory, maaring itaas sa Metro Manila sa loob ng 12 oras

Naglabas na abiso ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na maaring magkaroon ng mga pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila.

Sa inilabas na thunderstorm information ng ahensya kaninang alas 10:00 ng umaga, maaring itaas ang thunderstorm levels sa National Capital Region (NCR) sa loob ng 12 oras.

Bagamat nalusaw na ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Palawan, ang trough ng high pressure area ay magdadala naman ng mga panaka-nakang pag-ulan sa bansa.

Read more...