Pangulong Duterte, handa na para sa SONA

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Preparado na ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaring ibida ni Pangulong Duterte ang kaniyang mga nagawa sa nakalipas na tatlong taong panunungkulan sa Malakanyang.

Maari rin aniyang ilatag ng Pangulo ang kanyang mga plano sa susunod na tatlong taon.

Ayon kay Panelo, may ginagawa na ring pre-SONA activities ang iba’t ibang cabinet officials kung saan isinasapubliko ang mga accomplishment ng administrasyon.

Read more...