DFA: Pasaporte, hindi maaring gamiting bilang loan collateral

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Hong Kong na huwag gamitin ang mga pasaporte bilang kolateral sa pangungutang.

Ayon sa ahensya, ikinokonsiderang pagmamay-ari ng Pilipinas ang mga pasaporte.

Inilabas ng DFA ang abiso matapos makumpiska ng mga otoridad ang 1,400 pasaporte mula sa isang lending company.

Bilang kaparusahan sa paglabag sa Foreign Service Circular No. 2014-99, tatanggalan ng bisa ang mga naturang pasaporte.

 

Read more...