Angat Dam, muling bumaba ang lebel ng tubig

Nabawasan muli ang tubig sa Angat Dam sa kabila ng mga naranasang pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Sa inilabas na ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), mula 161.45 meters ay naging 161.22 meters ang level ng tubig sa Angat Dam ngayong July 7.

Bumaba rin ang tubig sa Ipo Dam ay nasa 99.50 meters kumpara sa 99.57 meters noong July 6.

Nasa 72.36 meters mula 72.38 meters ang La Mesa Dam habang ang Binga Dam bumagsak sa 569.69 meters mula 570.28 meters.

Ang Pantabanganan Dam ay nasa 191.24 meters mula 191.35 at ang Caliraya dam ay nabawasan mula 286.18 meters ay naging 286.08 meters.

Samantala, nadagdagan ang tubig sa Ambuklao Dam na 741.86 meters na mula 741.81 meters at pumalo ang Magat Dam sa 181.20 meters mula 180.63 meters.

Read more...