Titingnan nila ang mga nasirang mga gusali, kalsada, at mga sirang linya ng tubig at gas.
Wala namang naiulat na mga nasawi o nasakatan sa nasabing pagyanig ngunit pinag-iingat ang mga tao sa mga posibleng aftershocks sa mga susunod pang araw.
Nagpakalat na rin ng 200 na hukbo ang California National Guard, logistical support, at mga sasakayang panghimpapawid ayon kay Major General David Baldwin.
Aniya, naka-full alert na ang buong California Military Department.
Isinailalim naman ni Governor Gavin Newsom ang San Bernardino County sa state of emergency dahil sa tinamo nitong matinding pinsala.
Niyanig ang Southern California bandang alas 8:19 ng gabi sa Amerika nang nangyari ang lindol na kung saan mula naramdam din sa Sacramento hanggang Las Vegas at umabot pati na sa Mexico.