Federer, uusad sa 4th round ng tournament sa London

Pasok na sa 4th round si Roger Federer sa nagpapatuloy na Wimbledon Cup na ginaganap sa London, United Kingdom.

Tinambakan ni Federer ang kalaban niyang Swiss star na si Lucas Pouille sa score na 7-5 6-2 7-6(4) sa loob lamang ng dalawang oras at limang minuto.

Susunod na makakarahap ni Federer ang Italian 17th seed na si Matteo Berrettini.

Ang 2019 Wimbledon Cup ay ang ika-133 na edition na tennis tournament na ginagawa sa lahat ng England Lawn Tennis at Croquet Club sa London.

Nagsimula ito noong July 1 at magtatapos sa July 14 ngayong 2019.

Si Novak Djokovic ang kasalukuyang defending champion sa kategoryang gentlemen’s singles, at sa ladies’ singles naman ay si Angelique Kerber.

Subalit si Kerber ay tinalo ni Lauren Davis sa 2nd round ng 2019 Wimbledon Cup.

Read more...