Dawn Zulueta, uunahin ang pamilya kaysa career

Prayoridad ni Dawn Zulueta ang kaniyang pamilya lalo na ang kanyang dalawang anak.

Ayon kay Dawn, lumalaki na ang kaniyang mga anak at mas kailangan na siya ng mga ito dahil dumadami na ang kanilang tanong patungkol sa buhay.

Aniya, hindi trabaho ang kanyang pokus ngayon kaya bihira lang ito tumanggap ng mga proyektong pampelikula o sa telebisyon.

Mapapapayag lang siya na gumawa ng movie at mga soap operas kung talagang maganda ang istorya at maganda ang karakter na kaniyang gagampanan.

2016 pa pinakahuling ginawang teleserye ng aktres at 2017 naman ang kanyang pinakahuling pelikulang pinagbidahan.

Dagdag pa ni Dawn, ang trabaho ng artista ay nangangailangan ng maraming oras at sa ngayon hindi niya kayang isakripisyo ang kanyang pamilya.

Ang mga anak ni Dawn Zulueta ay si Jacob, 13-anyos, at 10-year-old na anak na babae na si Ayisha, at ang asawa nito ay si Antonio Lagdameo Jr.

Read more...