Liza Soberano, umaasang aayos na ang daliri matapos ang operasyon

Hindi nawawalan ng pag-asa si Liza Soberano na muling maigagalaw ng maayos ang kaniyang daliri sa kanang kamay.

Ito ay matapos sumailalim ni Liza sa ika-apat na finger surgery para sa kaniyang injury na ginawa sa Amerika.

Sa Instagram post ng aktres, sinabi nito na umaasa siya na ito ang huling operasyon sa kaniyang daliri kung saan nilagyan ito ng bakal.

Dagdag pa ng dalaga, mas mabuti na aniyang naroon pa ang kaniyang daliri kahit hindi na ito maibabalik sa dati.

Matatandaan na nagkaroon ng fracture ang daliri ni Liza habang kinukunan ang isang eksena sa teleseryeng Bagani noong 2018.

Ang injury na ito ang siyang dahilan ng aktress upang umatras sa pagganap sa karakter na “Darna.”

Read more...