Performance bond sa bagong telco company, ipatutupad ng DICT

Sasailalim sa limang taong performance bond ang ikatlong telecommunications company na Mislatel sa pagsisimula ng kanilang operasyon.

Sa panayam ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio Jr. sa isang radio station, ipapatupad aniya ang bond upang mabantayan kung natutupad ng naturang kumpanya ang pangako nitong serbisyo.

Ayon din kay Rio, ang Globe Telecom at Smart Communications ay hindi nagkaroon ng kaparehong kasunduan at ngayon lang inaayos ang kanilang serbisyo sa publiko.

Kinakailangan aniya ng 50,000 towers para maging maayos ang signal ngunit sa ngayon ay nasa 20,000 lamang ang ginagamit ng mga tao.

Sa Nobyembre aniya ay maari ng magkaroon ng subscribers ang naturang telecommunications  company.

Read more...