Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Atienza na lahat ng commercial centers sa lungsod ay nasa ilalim ng sindikato.
Dagdag pa niya, magkakaibang grupo umano ang may hawak sa mga vendors sa Quiapo, Bluementritt, Carriedo, Avenida Rizal, at sa Divisoria na itinuturing na pinakakumikitang lugar.
Inilahad ito ni Atienza matapos matapos ipaalam ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na inalok siya ng limang milyon kada araw upang itigil ang paglilinis sa mga nasabing lugar mula sa mga illegal vendors.
MOST READ
LATEST STORIES